PRESS STATEMENT
20 AUGUST 2026

Hindi bago ang recantation sa mga high-profile case. Classic pressure tactic ito. Hindi umiikot ang buong imbestigasyon sa iisa o kahit sa iilang witnesses.

Sa kabila nito, ipinapaalam ng Office of the Ombudsman na mayroon itong DALAWAMPU’T-WALONG (28) testigo na nakahandang magbigay ng direkta at materyal na kaalaman sa mga transaksyong sinisiyasat sa kaso ni dating Speaker Martin Romualdez. Nasa ilalim na sila ng legal process sa ngayon.

Ito’y mga taong nakauniporme at aktibo pa rin sa serbisyo.

Sa lahat ng nabigyan na o mabibigyan pa ng legal process, hindi choice ang pakikipagtulungan. Obligasyon ‘yan sa batas. Sinuman ang mangahas humadlang, mangbara o manggulo sa proceedings ng Ombudsman ay haharap sa buong bigat ng batas.

Hindi hihinto ang paghahanap ng katotohanan kahit ayaw pang magsalita ninuman.